In Defense of the Paasa

“Medyo presko”.

Yan ang una mong sinabi nung nagtanong ang mga kaibigan mo tungkol sa first date. Nung tanungin ka pa kung bakit, sinabi mo na lang “a basta”.

Pero nag-reply ka naman nung tinext ka. Niyaya ka niya ulit, ang sagot mo kelan. Tinanong ka niya kung saan mo gusto maghapunan, ang sagot mo: “kahit saan”.

Mangilan-ngilang beses din kayong lumabas. Nasundan ang texts ng tawagan, nagsendan din kayo ng mga pics sa FB Messenger, kahit badtrip ka dahil ang bilis ng App maka lowbatt.

Ilang beses, kinilig ka rin pag nakikita mo na siyang papalapit sayo. Una pa lang, nung medyo may amats na, sinabi niyang gusto ka niya. Ngumiti ka lang, sabay iling. Medyo napaisip ka rin.

Hindi niyo na napagusapan. Pero paulit ulit ang paglabas niyo. Mula sa dinner, naging lunch, meryenda, minsan kahit sa maiksing breaks between subjects.

Sa madaling sabi, naging staple na ang togetherness.

Hinahanap ka na ng friends niya sayo, hinahanap ka na rin ng friends mo sa kanya. Pasok ka na sa barkada, ganon din siya.

Pero walang malinaw na pagkakaintindihan. Walang malinaw na usapan.

Pero tinanong ka na niya. Humingi rin siya ng validation. Pero wala kang nagawa kundi mang-friendzone. Tinanong ka kung bakit, hindi mo na sinagot. Pakiramdam mo, wala ka namang obligasyon.

Pero:

  • Sinubukan mong magustuhan siya, in fact, ilang buwan din naman kayo nag-date. Walang spark, wala talaga.
  • Ang sarap niyang kasama, kaya instantaneous ang reply mo, at madalas ang labas niyo. Para siyang barkada, well, barkada nga.
  • Hindi ka pa ready. O baka, hindi ka pa ready para sa kanya. So nag-linger muna kayo sa friendship, akala mo, gets niya na yon.
  • Walang pagkukulang sa kanya. In fact, ang wish mo ay makahanap na agad siya ng iba. Good looking (sabi niya) , witty (sabi mo), at mabait naman (sabi ng barkada mo).

Pero wala talaga. Sinubukan mo, pero wala talaga.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s