Tanggapan ng Mga Wasak Sa Puso, Pulutan Regulatory Board

Sa dami ng batas, departamento, at iba’t ibang sangay ng gobyerno na nangangakong pagtutuunan pansin ang mga nakatalagang aspeto sa pamamalakad sa estado at ng mga komunidad na sakop nila, may mangilan-ngilan pa rin, na sa palagay ko, ay nangangailangan din ng mas taimtim na pansin mula sa pamahalaan.

Bilang isang masugid na tax-payer, naniniwala akong may mga serbisyo pa ang gobyerno na ninanais ko sanang maisakatuparan. Ilan sa aking mga suhestiyon ang sumusunod:

Tanggapan ng Mga Wasak Sa Puso

Hindi maikakaila na isa sa mga pangunahing problema ng mga kabataan ngayon (o kahit nga ng mga may-edad na at wala pang asawa) ay ang sakit na dala ng pagkawasak ng kanilang mga puso. May mangilan-ngilan mang masusugid na tagahanga ni Mark Lapid ang nakikipag-talo sa argumentong “Saging lang ang may puso”, naniniwala pa rin akong may basehan ang pangangailangang ito. Bakit? Mas mabigat ang punto ni Rizal: “The youth is the hope of the motherland”. Ngayon, paano mo ba hihikayatin ang isang batang maagang nabikitima ng mga paasa, at mga kasintahan na nangangastigo sa basehan ng maling akala, pagbibintang, at pagpaparusa sa kabila ng kakulangan ng ebidensya, kawalan ng testigo, at higit sa lahat, pag-bubulag-bulagan sa katotohanan na may tunay na pag-ibig. Mungkahi kong gawing chairperson neto si Ramon Baustista.

Pulutan Regulatory Board

Maliban sa “My Way” sa videoke na kinanta ng may rayuma sa vocal chords, pinagmumulan din ng away at paminsan, madugong alitan ang sobra sa pamumulutan. Isa sa mga ugaling pinoy ang pakikisama. At bilang ang mga batas natin, sakop na ang konstitusyon, ay naglalayon na mapag-isa ang mga Pilipino sa paniniwalang gaya ng “justice, honesty, and good faith”, marapat lang siguro na magkaroon ng kawani ang gobyerno na naglalayon na i-moderate lamang ang pagmumulutan. Halimbawa, kapag umorder kayo ng isang sizzling sisig, isabatas na mandato na ang magtalaga ng tagapag-takal ng sisig. Kagaya na lang ng pagkakaron ng “tanggero”. Implied na dapat ito.

Weight Loss and Fitness Restoration Office of the Department of Health

Hindi lang TB ang pangunahing hamon sa Department of Health. Kung titignan at pag-aaralan ang mga datos (o kahit sa sariling barangay niyo lang), mas marami na yata ang mga matataba. Maliban sa sobrang pag-tangkilik sa fast food, coke, ice cream, cake (ilan sa mga personal kong paborito rin), kawalan rin ng disiplina sa ehersisyo ang dahilan. Maliban sa mga dahilan, mas nakakatakot ang resulta ng sobrang katabaan. Maliban sa cardio-vascular irregularities, nanjan na rin ang patuloy na reklamo sa size 34 na pantalon ng nanay mo, kapatid mo, girlfriend mo, o ng barkada mo. Sa parte ng gobyerno, mag-sponsor sana ng libreng zumba sessions kahit isang beses sa isang linggo sa mga munisipyo. Pwede ring magtayo ng mga fitness gyms sa city hall. Sundan ng pakain tuwing katapusan sa barangay.

Selfie Rehabilitation Services

May napanood akong video ilang linggo na ang nakaraan ng isang babae na naaksidente habang patawid ng kalsada dahil sinabayan niya ito ng selfie. May ilan na rin akong kakilala na nahigh-blood nang makakita ng sunod-sunod na selfie ng iisang mukha. Sa batas, may tinatawag na “nuisance per se”. Ibig sabihin, “nakakainis”. Sa kontekstong ito, mga “mukhang nakakainis”. Kung totong preventive ang tactic ng gobyerno higit sa curative, hahayaan pa ba nating magkatotoong may matigok nang dahil sa pagkuha ng selfie? Tiyak akong hindi magandang headline ito. YOLO.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s